Beijing, China – nakapagtala na ng isang pasyenteng namatay dahil sa nCoV

Kinumpirma ng Chinese authorities na may isa nang namatay sa 2019 novel coronavirus sa capital Beijing.

Sa kabuoan, umabot na sa 81 ang nasawi sa China.

Ayon kay Chinese Health Ministry, ang biktima ay 50-anyos na lalaki na bumisita rin sa Wuhan City – ang epicenter ng outbreak noong January 8.


Nagpa-ospital ang pasyente noong January 21 pero binawian ng buhay kahapon dahil sa respiratory failure.

Facebook Comments