Bela Padilla, may special someone na matapos ang apat na taong pagiging single!

95
Photo Courtesy: Bela Padilla | Instagram

Ipinakilala na sa wakas ng aktres na si Bela Padilla ang kaniyang special someone.

Kasunod na rin ito ng pagkalat sa social media ng kuha ng aktres na nagbabakasyon sa isang sikat na tourist destination sa Cappadocia, Turkey kasama ng kanIyang mahal.

Sa kanIyang Instagram kahapon, isang picture ang ipinost ni Bela kasama ang foreigner na si Norman Ben Bay.

Say ng 29-years old actress, nakilala niya si Norman sa St. Gallen, Switzerland.

Sinamahan pa ni Bela ang kanyang post ng emoji na napapakit upang ipahiwatig ang kanyang kilig.

May isa pang litrato ang couple kung saan masuyong hinawakan ni Ben sa noo si Bela habang nakatitig sa dalaga.

Nabatid na ito ang unang pagkakataong nagpakilala si Bela ng bagong pag-ibig sa loob ng halos apat na taon niyang pagiging single.




Facebook Comments