Naniniwala si Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica na maging ang Panginoong Hesukristo ay mahihirapan sa pagsunod sa requirements ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa pagdaraos ng kasal.
Plano niyang magkaroon ng meeting kasama ang PSA at iba’t ibang sekta ng relihiyon para pag-usapan ang ilang concern sa pagpoproseso at requirements para makakuha ng Certificate of Authority to Solemnize Marriage (CRASM).
Kinuwestyon niya ang isa sa mga requirements, ito ay ang listahan ng 200 bonafide active members kabilang ang kanilang kumpletong address at lagda.
Ani Belgica, ang ‘discriminatory’ ang requirement lalo na at maraming home churches.
“What is the basis of the 200 membership? What if the ministry is a starting ministry or organization?” tanong ni Belgica.
“Kahit ang Panginoong Hesus hindi papasa sa requirements ninyo (PSA) kasi nagsimula siya sa labing dalawang disipulo lang,” anang ARTA official.
Hihingi ng tulong ang ARTA sa Securities and Exchange Commission (SEC) para ibahagi ang kanilang proseso.
Hihingi rin sila ng Regulatory Impact Assessment (RIA) para sa CRASM requirements.