BENEPISYARYO NG UNCONDITIONAL CASH TRANSFER SA MANAOAG, MASUSING SINURI PARA MATUKOY ANG MGA PINAKAMAHIHIRAP NA DAPAT MAKATANGGAP

Mabusisi sa pagtingin ang Department of Social Welfare and Development Field Office 1 katuwang ang Land Bank of the Philippines at MSWDO sa bayan ng Manaoag sa mga dokumentong ipinasa ng mga benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer o UCT program.
Ang mga dapat kasing makatanggap ng cash card distribution na ito ay tukoy bilang mga pinakamahihirap na nangangailangan ng tulong pinansyal.
Kamakailan lamang ay isinagawa na ang Cash Card Distribution sa limang daan o 500 benipisyaryong Manaoagueño at ang mga benepisyaryong ito ay mula sa kompirmadong listahan ng DSWD kung saan napatunayan ang mga dokumento nilang sila ay karapat-dapat na makatanggap sa nasabing programa.

Nagpakita rin ng suporta ang alkalde ng bayan sa programang ito ng DSWD dahil sa malaking tulong nito sa mga maralita nitong kababayan. |ifmnews
Facebook Comments