Naniniwala ang isang vaccine expert na mas nakakalamang ang benepisyo ng mabakunahan ng COVID-19 vaccine kaysa sa peligrong dala nito.
Sa “Bakit Bakuna Roadshow Forum” sa Kamara, sinabi ni Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo, ang mga bakuna ay ligtas maski sa mga taong ‘immunocompromised.’
Marami na aniyang bakuna ang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Pero punto ni Bravo na walang bakuna na 100-porsyentong ligtas at 100-porsyentong epektibo.
Binigyang diin ni Bravo na ang mga bakuna ay pinipigilan ang development ng antibiotic resistance.
Mahalaga aniyang makinig ang publiko sa mga eksperto dahil kailangan nilang malaman ang magandang epekto ng COVID-19 vaccines.
Pagtitiyak ni Bravo na handa na ang pamahalaan para tugunan ang mga posibleng adverse reaction ng COVID-19 reaction.