Benguet, Philippines – Inaprubahan na nga ng Provincial Board ng Benguet ang isang ordinansa sa pag reregulate sa mga operasyon ng mga computer shops sa Benguet.
Base sa napagkasunduang ordinansa ay maaring makarenta ng computer para sa computer games ang mga menor de edad o ang mga 18 years old pababa mula alas kwatro ng hapon hangang alas sais trenta lamang ng hapon.
Samantala maari naman silang magrenta ng computer mula alas siyete ng umaga hanggang alas sais trenta ng hapon para sa kanilang mga research.
Ayon sa La Trinidad Municipal Council ay ang ordinansang ito ay para ma protektahan ang publiko mula sa masamang epekto ng pagka adik sa computer at iba pang klase ng teknolohiya.
iDOL, tama lang ba ang ordinansa para sa mga menor de edad?