Benham rise, regular ng iniikutan at binabantayan ng Philippine Navy

Manila, Philippines – Regular ng iniikutan at binabantayan ng barko ng Philippine Navy na BRP Ramon Alcaraz ang Benham rise.
 
Ito’y makaraang matapos ng Phil. Navy ang pagpapatrolya sa 13 milyong ektarya ng Benham rise na extended continental shelf ng Pilipinas.
 
Ayon sa Phil. Navy, wala silang namonitor na research vessels ng China gaya ng ibinunyag noon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
 
Pero may mga nakita silang hindi matukoy na uri ng aircraft at kung sakali man na may mamataan silang banyagang barko ay agad nila itong sisitahin.
 
Aminado naman si BRP Alcaraz CMDR Jeff Rene Nadugo, na kulang sila sa gamit dahil hindi pa dumadarating ang equipment na magbibigay ng kakayahan na masilip ang ilalim ng dagat.
 
Nitong weekend sinabi ni Chinese Ambassador Zhao Jinhua, na walang dapat ipag-alala ang pilipinas pagdating sa Benham rise.
 
Kung magsasagawa anya sila ng research activity ay ipapaalam nila ito sa Pilipinas.
  
Samantala, inaasahang makakatulong sa navy ang dalawang TC-90 maritime surveillance aircraft mula sa Japan na naiturn-over na sa defense department.
 
Sabi ng navy , malaking tulong ito sa kanilang air assets na magagamit sa ibat-ibang humanitarian assistance at disaster response missions.


 

Facebook Comments