Benjamin Netanyahu, nanalo muli bilang Israel PM

20

Muling iniluklok si Benjamin Netanyahu bilang Israeli Prime Minister para sa ikalima nitong termino.

Ito ay matapos tinanggap ng katunggaling si Benny Gantz ang pagkatalo.


Mula sa higit 97% na counted votes, ang partido ni Netanyahu na Likud Party ay makakakuha ng 65 upuan sa kanilang 120-strong Knesset, ang unicameral legislature ng Israel.

Nagpasalamat naman si Netanyahu sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng kanyang mga kababayan at tiniyak na bubuo ng right-wing government.

Si Netanyahu na ang longest-serving leader ng Israel.

Samantala, magdedesisyon naman si Israel President Reuven Rivlin kung sino ang bubuo ng susunod na gobyerno matapos ang gagawing konsultasyon sa mga pinuno ng political parties.

Facebook Comments

From Advertisers