*Cauayan City, Isabela*- Apektado na rin ang bentahan ng karne ng baboy sa Bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya matapos magpositibo ang ilang alagang baboy sa sakit na African Swine Fever sa Barangay La Torre North at kalapit pang barangay.
Ayon kay Mayor Ralph Lantion, sa kanilang ginagawang pag iikot sa pamilihang bayan ay naging matumal ang bentahan ng karne ng baboy kung kaya’t nananatiling umiiwas muna ang ilang mamimili sa pagbili nito.
Tiniyak naman ng alkalde ang mahigpit na pagbabantay sa mga posibleng entry at exit point sa mga kalapit na lugar sa kanilang bayan.
Dagdag pa ng alkalde na wala dapat ipangamba ang publiko dahil dodoblehin nila ang paghihigpit sa kabila ng inilatag na checkpoint sa iba’t ibat parte sa lugar.
Patuloy naman aniya ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa mga negosyante sa kabila ng matumal na bentahan ng karne ng baboy sa palengke.