BF.7 Omicron sub-variant, nakapasok na sa bansa

Nakapasok na sa Pilipinas ang BF.7 Omicron sub-variant.

Ang BF.7 ay mula sa BA.5 sub-variant ng Omicron na sinasabing nagdulot ng panibagong surge ngayon ng mga kaso sa China.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nakita ang isang kaso ng BF.7 sa 133 samples na isinailalim sa genome sequencing nitong Dec. 14 hanggang 15.


Ang naturang kaso ay natukoy sa National Capital Region (NCR).

Bukod dito, may natukoy rin na 23 kaso ng BA.2.3.20, 28 na XBB, 45 na XBC, at 24 na iba pang Omicron sub-variant.

Ang BA.2.3.30 ay mula sa Region 1,2,3,7,11 at NCR habang ang iba pa ay galing Region 11 at ang XBB naman ay mula sa Region 7, 11, at NCR.

Facebook Comments