Mga audit at iba pang field operations ngayong holiday season, sinuspinde ng BIR

Sinuspinde ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang lahat ng audit at iba pang field operations nito ngayong Kapaskuhan.

Sa pamamagitan nito, maiiwasang makompromiso ang trabaho ng mga tax examiner.

Batay sa Revenue Memorandum Order (RMO) No. 55-2022, mula December 16, 2022, hanggang January 8, 2023, walang isisilbing letters of authority para sa anumang formal tax investigation.


Dahil sa kautusan, maiiwasang tumanggap ng anumang uri ng “regalo” ang mga tax examiner sa mga taxpayer na sumasailalim sa tax assessment.

Facebook Comments