Nakabalik na sa Maynila ang BRP Francisco Dagohoy na naghatid ng abot sa P5 milyon halaga ng livelihood intervention sa mga mangingisda sa Pagasa Island.
Sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Chief Information Officer Nazario Briguera, nakarating sa isla ang patrol vessel ng BFAR ng walang nangyaring panghaharang mula sa mga Tsino.
Bilang reaksyon, ikinatuwa ng mga mangingisda ang ipinaabot na tulong ng pamahalaan.
Ang inisyatiba ng BFAR na maghatid ng tulong kabuhayan sa mga mangingisda roon ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Nais nitong ilapit ang serbisyo at programa ng pamahalaan sa mga lubhang nangangailangang mamamayan.
Facebook Comments