Kalibo, Aklan – Umabot sa 95, 997 ang naitalang mga turista na bumisita sa isla ng Boracay mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15, 2023. Base sa rekord ng Municipal Tourism Office, nangunguna pa rin ang mga domestic tourist na may pinakamaraming naitala na 80, 781; Overseas Filipino na may 1,157 at 14, 059 naman ang foreign tourist. Tiwala naman ang MTO Malay na malampasan nila ang 1.8 million tourist arrival na target ngayong taon.
Facebook Comments