BFAR FISH PRODUCTION ENHANCEMENT PROGRAM, INILUNSAD SA BAYAN NG SAN NICOLAS

Inilunsad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang kanilang programang Fish Production Enhancement Program sa bayan ng San Nicolas.
Ito ay para sa mga miyembro ng Lagpan Livelihood Association sa ilalim ng San Roque Foundation.
Nilahukan ito ng iba’t-ibang kumakatawan sa katuwang na ahensya ng nasabing programa.

Matagumpay na naisagawa ang Turn Over Ceremony ng Modified Intensive Tilapia Hatchery, Nursery, and Grow- out Techno Demo on Pond Culture with Aeration System na handog ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa ilalim ng kanilang Fish Production Enhancement Program.
Samantala, nagpapatuloy naman ang suporta ng BFAR sa mga mangingisda na nakakatulong sa pandagdag hanapbuhay at bagong mga kaalaman at pagsasanay para sa kanila. |ifmnews
Facebook Comments