Ipinaalala ng BFAR Ilocos Region sa publiko na ligtas ang lahat ng klase ng seafoods sa banta ng red tide kahit na panahon na ng tag-ulan.
Kasama sa nabanggit ng ahensiya sa rehiyon ang mga bayan na mula sa Pangasinan na kinabibilangan ng Alaminos City, Bani, Bolinao, Anda, at Sual na ligtas kainin at malayo umano sa red tide ang mga nahuhuling lamang dagat gaya ng lahat ng klase ng shellfish, Acetes o yung maliliit na hipon na ginagawang alamang at mga isdang nahuhuli sa mga coastal areas sa mga nabanggit na bayan.
Ang paalalang ito ng BFAR Ilocos Region ay ayon sa pinakahuling datos ng ahensya sa ilalim ng Shellfish Bulletin No. 17 Series of 2021 ng Department of Agriculture at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office 1.
Samantala, hinikayat naman ng ahensiya ang mga kabataan na kinabibilangan ng Mentoring and Attracting Youth in Agri-business Program (MAYA) na makilahok sa mga programa ng BFAR ukol sa agrikultura at sa pangingisda.
Ang pagsasanay na ito ay upang mapalakas at mabigyan ang mga kabataan ng kaalaman at para maihanda na rin ang mga ito para sa hinaharap sa kanilang murang edad pa lamang.