BFAR , nagpahayag na ng kahandaan sa panahon ng El Niño

28

Pinaghahanda na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga mangingisda sa  potensyal na hamon na idudulot  ng El Niño sa sektor ng pangisdaan ngayong taon.

Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona  asahan nang  maapektuhan ng sobrang init ng panahon ang fisheries production at livelihood ng mga libu-libong mangingisda at mga stakeholder pati na ang pamahalaan.

Sa ngayon, may paghahanda na ang BFAR upang mabawasan ang magiging epekto ng El Nino .

Halimbawa nito ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng awareness and information campaign, monitoring at pagpapalabas ng red tide bulletins.

Inilabas na rin ng BFAR ang  listahan ng government interventions na maaaring ma  avail ng maapektuhang  mga mangingisda.

Ilan dito ang probisyon ng Livelihood Assistance sa mga  fisherfolk communities,  input assistance tulad ng seaweed seedlings, tilapia fingerlings at oyster rafts,  Fish Health Laboratory Services at iba pa.

Facebook Comments