Tiwala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makakapagparami ng suplay ng galunggong matapos ang gagawing First National Galunggong Summit sa Pebrero.
Ayon kay Undersecretary for Fisheries and BFAR National Director Eduardo Gongona, magsama-sama sa pagpupulong ang mga grupong pamalakaya, mga lokal na pamahalaan, non-government organizations (NGOs) at scientific community upang matukoy ang totoong kalagayan ng galunggong fisheries.
Tutukuyin sa Summit ang mga problema at banta na gagamitin sa pagbuo ng istratehiya para sa isang sustainable na produksyon ng galunggong.
Batay sa datus ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula 2007 hanggang 2017 nang magpakita ng paghina ang galunggong fisheries.
Bunsod nito, nagpatupad ang BFAR ng closed seasons sa panghuhuli ng galunggong sa Northeastern Palawan mula November 1 hanggang January 31 gayundin sa Davao Gulf mula June 1 hanggang August 31 kada taon.