BFAR POST-HARVEST TRAINING PROGRAM ISINAGAWA SA BUGALLON

Nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bayan ng Bugallon.
Itinuro sa pagsasanay ang paggawa ng Bottled Bangus in Oil na maaaring gawin sa mga oversupplied na bangus o pandagdag produkto na maaaring mapagkakitaan ng ilan sa mga residente rito.
Kabilang sa training ang Bugallon Farmers Fisherfolks Producers Improvement Club mula sa Brgy.Bañaga na nangunguna sa Fish Smoking and Deboning.
Itinuro naman sa training ang pagproseso ng Bangus in Oil, Gourmet Tuyo and Bangus in Oil Spanish Style at mainam na pagbebenta ng kanilang produkto.
Ayon sa LGU, ang naturang programa ay tunay na napapanahon dahil malaki ang maitutulong nito sa mga kababayan na nais matuto at magkaroon ng pagkakakitaan.
Hinikayat naman ng pamahalaang lokal ang mga nais makilahok sa iba’t ibang programang gaya nito. Maaari silang makipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office para makibahagi.

Facebook Comments