BFAR, tutulong din sa paghahanap sa 14 na mangingisdang nawawala sa Occidental Mindoro

Tutulong na rin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa search and rescue operations para sa 14 na mangingisdang nawawala matapos mabangga ang sinasakyang fishing boat ng Hong Kong vessel sa Paluan, Occidental Mindoro.

Ayon sa BFAR, nagpadala na sila ng Fisheries Resource Protection Groups (FRPG) sa pinangyarihan ng insidente.

Ang mga crew at pasahero ng Pinoy fishing boat ay kinilala sa mga sumusunod:


  1. Jose Magnes E. Alfonso (Captain)
  2. Renante H. Dahon (Chief Mate)
  3. Reynil V. Magura (Chief Engineer)
  4. Miguel Q. Booc III (Assistant Chief Engineer)
  5. Joeffry R. Bantog (Oiler)
  6. Jeerom D. Alaska (Oiler)
  7. Michael B. Flores (Master Hatchman)
  8. Jayson A. Vigonte (Hatchman)
  9. Adrian Robert S. Amogod (Hatchman)
  10. Bartolome P. Oab, Jr. (Hatchman)
  11. Herbert J. Dalabajan (Hatchman)
  12. Reynald S. Riparip (Passenger)
  13. Ariel L. Tabang (Passenger)
  14. Edwardo S. Manipol, Jr. (Passenger)

Sinabi ng BFAR na si Captain Alfonso ay mula sa Aklan habang ang iba ay mula sa Palawan.

Nagbigay na sila ng tig-isang sako ng bigas bilang inisyal na agarang tulong sa pamilya ng mga ito.

Pagtitiyak din ng kawanihan na bibigyan ang pamilya ng livelihood assistance tulad ng 30-talampakang motorized fiberglass fishing boats.

Facebook Comments