BFP Cauayan City, Muling Nagpaalala sa Pag-iwas sa Sunog!

Nagpaalala ang tangapan ng Bureau of Fire Protection, Cauayan City (BFP) matapos may maganap na grass fire sa Brgy. Tagaran, Cauayan City.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay FO1 Carlo Villa ng Operations Section ay tatlong mga fire truck umano ang rumesponde sa naturang insidente kagabi matapos itong ipagbigay alam sa kanilang tanggapan.

Aniya, dakong 6:54 na umano ng gabi ng ito ay ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung saan ay nadatnan na itong malaki na ang apoy na tumutupok sa damuhan habang mag-aalas siyete naman ng ito ay maapula ng mga rumespondeng bumbero.


Wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa nasabing pangyayari kung saan ay isa sa nakikitang sanhi nito ay human error at dahil na din sa tindi ng init ng panahon.

Samantala, sa nakaraang buwan ng Abril ay nakapagtala naman umano ang tanggapan ng BFP Cauayan City ng labing limang grass fire at isang structural fire insident sa lungsod.

Panawagan parin ang ibayong pag-iingat at pagiging responsable upang makaiwas sa mga insidente ng sunog.

Facebook Comments