BFP-NCR, sisiyasatin kung nasunod ng Resorts World Manila ang fire-safety regulation matapos ang nangyaring pag-atake at panununog

Manila, Philippines – Sisiyasatin ngayon ng Bureau of Fire Protection- National Capital Region (BFP-NCR) kung nasunod ng Resorts World Manila ang fire-safety regulation matapos ang nangyaring pag-atake at panununog ng nag-iisang suspek.
Ayon kay Wilfredo Kwan-Tiu, Chief ng BFP-NCR, titignan nilang muli ang fire alarm system ng nasabing casino-hotel upang matiyak na pasado ito sa fire safety code.
Dagdag pa ni tiu, nakita naman nila sa video na nag-trigger ang mga sprinkler matapos sunugin ng suspek ang mga casino tables at iba pang gamit ng hotel kung saan kanila pa rin nila itong iimbestigahan para malaman ang mga lapses.
Maging ang Chief Security Officer ng Resorts World na si Armeen Gomez ay sinabing nasa maaayos na kondisyon ang kanilang fire alarm system kaya’t karamihan sa mga guest ay nakaligtas sa insidente subalit kanila pa rin aantayin ang imbestigasyon ng fire department.
Matatandaan na dahil sa nasabing insidente umabot sa 37 katao ang namatay dahil sa suffocation.

DZXL558

Facebook Comments