Pangulong Rodrigo Duterte, bumisita sa mga kaanak ng namatay sa Resorts Wolrd Manila matapos kamustahin ang mga sundalong sugatan sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro City

Manila, Philippines – Binisita kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kaanak ng mga namatay sa Resorts World Manila attack na naganap noong Biyernes.

Dumating ang pangulo sa Veronica Memorial Chapel sa Pasay City dakong alas-onse ng gabi matapos ang pagbisita nito sa mga sugatang sundalo sa Camp Evangelista Station Hospital ng 4th infantry division sa Cagayan de Oro City.

Sinalubong nina National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde at Southern Police District Chief Supt. Tomas Apolinario ang pangulo bago ito pumasok ng kapilya.


Makalipas ang isa’t kalahating oras ay agad din itong nagtungo sa Rizal Funeral Homes para makiramay sa iba pang kaanak ng mga namatay mula sa malagim na insidente.

Una naman sinabi ng Pangulong Duterte sa ginawa nitong pagbisita sa mga sundalong nasugatan sa pakikibakbakan sa maute group sa Marawi City, hindi niya ikinokonsidera ang nangyaring pag-atake sa Resorts World na gawain ng ISIS dahil hindi daw ito ang kanilang paraan para maghasik ng lagim.

DZXL558

Facebook Comments