Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang communication efforts para mapigilan ang trafficking sa bansa.
Kasunod na rin ito ng pagdalo ng mga opisyal ng BI immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) sa special screening ng pelikulang Sound of Freedom.
Ang pelikula ay base sa totoong kuwento kaugnay ng Central Intelligence Agency (CIA) agent na matapos mailigtas ang isang lalaking biktima ng child traffickers ay nalaman nitong hawak pa ng mga sindikato ang babaeng kapatid ng biktima kaya nagdesisyon itong maglunsad ng misyon para maisalba ang isa pang biktima.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco suportado nito ang inisyatiba dahil mahalaga umano ang komunikasyon para buksan ang usapan patungkol sa trafficking.
Facebook Comments