BI, kinumpirma na nakakapasok pa rin sa bansa ang mga pasaherong mula sa mga bansa na may travel ban ang Pilipinas

Kasabay ng apela ng Bureau of Immigration (BI) sa netizens na nagpapakalat daw ng fake news sa social media na tuloy-tuloy pa rin ang pagdating sa bansa ng napakaraming mga flights mula sa china kahit na may travel ban,inamin ni Immigration Commissioner Jaime Morente na hindi kasi sakop ng ban ang flights mula sa China

Sa halip, restricted lamang aniya ang galaw ng mga tao mula mga tinukoy na areas of concern.

Nilinaw ni Morente na ang ilang mga flights patungo at mula sa China, Hong Kong, Macau at South Korea ay tuloy pa rin dahil maaring may mga pasaherong exempted na makabiyahe pa rin papasok at paalis ng bansa.


Sa ipinatutupad na travel restriction ng immigration, hindi papayagang pumasok sa bansa ang mga pasahero mula sa China, Macau, Hong Kong at North Gyeongsang sa South Korea.

Gayunman, exempted sa naturang travel restrictions ang mga pinoy gayundin ang kanilang mga asawa at mga anak, maging ang mga dayuhang may permanent resident visa at mga miyembro ng diplomatic corps.

Ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na patungong mainland China maliban sa Hubei Province at Wuhan City ay maari pa ring umalis ng bansa basta at lalagda ang mga ito sa isang dokumento na nag-sasaad na naiintindihan nila ang risk o panganib ng kanilang pagbiyahe sa naturang mga bansa.

Ang mga OFWs, permanent resident, kanilang mga dependents at mga student visa holders ay makakalipad pa rin naman patungong Hong Kong, Macau at North Gyeongsang Province sa SoKor.

Inanunsyo din ng immigration na epektibo ngayong araw, pinalawig pa ang travel restrictions Iran at Italy.

Ayon sa immigration ang mga pasaherong galing sa naturang mga bansa ay kinakailangang magpakita ng medical certificate na inisyu sa nakalipat na 48-oras na nagsasabing wala silang COVID-2019.

Exempted din sa travel restrictions ang mga pinoy at kanilang mga asawa at mga anak gayundin ang mga may permanent resident visas at miyembrong diplomatic corps.

Gayunman, kailangan pa rin ng mga ito na sumailalim sa mandatory 14-day quarantine ng Bureau of Quarantine.

Facebook Comments