Magpapatupad na ng decongestion measures ang Bureau of Immigration (BI) sa kanilang detention facility sa Bicutan, Taguig sa mga susunod na araw.
Layon nito na mapigilan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa piitan ng BI sa Camp Bagong Diwa.
Ayon sa BI, bahagi ng kanilang hakbang ay ang pagpapabilis sa pagpapalabas ng mga resolusyon sa mga deportation cases ng mga dayuhan na nakapiit sa BI Warden Facility (BIWF).
Sa isang memorandum order, inatasan ang legal officers ng kagawaran na magsagawa ng imbentaryo sa deportation cases at pinagsusumite sila ng kaukulang resolusyon sa Board of Commissioners.
Bukod sa dayuhang inmates, nababahala rin ang BI na mahawaan ang mga tauhan nilang nagbabantay sa detention facility.
Una nang pinagbawal ang pagdalaw sa mga nakakulong na dayuhan sa BI Warden Facility.