Isang lalaki na tulak umano ng ilgal na droga, arestado sa buy-bust operation sa Makati

Timbog ang isang lalaki na umano’y tulak ng ipinagbabawal na droga matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanya.

Nakilala ang suspek na si Oliver Chavez Antipala, 38-anyos, at residente ng No. 97-9th st. Isla Homes-3, Brgy.Pinagbuhatan, Pasig City.

Nakuha mula sa kanyang ang 2 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halaga na ₱13,600.


Maliban sa iligal na droga, nasamsam din ng mga pulis ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money at isang motorsiklo na ginamit ng suspek sa paghahatid ng iligal na droga sa kanyang mga parokyano.

Narekober na mga pulis ang dalawang unit ng cellphone ng suspek na hinhinalang naglalaman ng mga contact number ng kanyang mga customer at maaari ring mga contact number ng pinagkukunan ng droga nito.

Ginawa ang nasabing operasyon sa No. 179 CY  24th Avenue, Brgy.East Rembo, Makati City pasado alas-8:40 kagabi.

Nakakulong na ang suspek sa Makati Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments