BI, nagpasaklolo na sa mahabang pila sa immigration counters sa NAIA

Hiniling ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa lahat ng kinauukulang ahensya na nag-o-operate sa airport na magtulungan para maresolba ang mahabang pila sa paliparan.

Ginawa ni Tansingco ang pahayag matapos silang ulanin ng reklamo kaugnay ng mahabang pila sa immigration counters, kasunod ng post-new year glitch sa mga paliparan sa bansa.

Aniya, lahat naman ng counters ay mayroong nagmamando pero mahaba pa rin ang pila.


Sinabi ng BI chief na kapag mabilis ang pagproseso sa mga pasahero ay mas marami silang maseserbisyuhan.

Suportado rin aniya ng BI ang decongestion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bagong paliparan.

Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagbuhos ng mga turista sa pagbubukas ng borders sa bansa.

Facebook Comments