Saturday, October 24, 2026

BI, nagpatupad ng leave ban sa mga tauhan sa paliparan bilang paghahanda sa Undas

Nagpatupad na ng leave ban ang Bureau of Immigration (BI) sa mga tauhan nito sa mga paliparan bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong Undas.

Ayon kay BI Spokesperson Atty. Anisha Hadji Hassan, mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3 ay lilimitahan ang pag-apruba ng bakasyon upang matiyak ang sapat na bilang ng mga Immigration officer.

Bukod dito, nagtalaga rin ang BI ng karagdagang tauhan at Rapid Response Team na maaaring rumesponde sakaling dumami pa ang mga pasahero sa mga terminal.

Tiniyak din ng ahensiya na nakahanda ang kanilang mga e-gate upang mapabilis ang pagproseso sa mga international passenger.

Samantala, pinayuhan ng BI ang mga biyahero na magtungo nang mas maaga sa paliparan at tiyaking kumpleto ang kanilang travel documents.

Para naman sa mga international traveler, pinaalalahanang ihanda ang eTravel QR code na maaaring irehistro sa loob ng 72 oras bago ang pag-alis o pagdating sa bansa.

Facebook Comments