
Iginiit ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima na dapat managot din ang mga tumutulong sa patuloy na pagtatago ni Senator Ronald Bato Dela Rosa.
Mensahe ito ni De Lima kasunod ng alok na 50-milyong pisong reward ng Department of Interior and Local Government para sa ikadarakip ni Dela Rosa.
Ang pagsisikap na mahuli si Dela Rosa ay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court kaugnay sa kinakaharap nyang crimes against humanity.
Giit ni De Lima kay Senator Bato, dapat sumuko na ito sa mga otoridad.
Ayon kay De Lima na dati ring Justice Secretary, bilang mambabatas at dating hepe ng Philippine National Police ay dapat alam ni Dela Rosa ang tamang gagawin.
Facebook Comments










