BI, walang record ng paglabas ng bansa ni Atong Ang

Walang impormasyon ang Bureau of Immigration (BI) kung nasa labas ng bansa ang negosyante at gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang.

Ito ay matapos lumabas ang arrest warrant laban kay Ang kaugnay sa kasong kinakaharap nito sa pagkawala ng mga sabungero ilang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, wala silang record kung lumabas ng bansa si Ang na dati nang inilagay sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).

Sinabi naman ng Department of Justice (DOJ) na maituturing na sang-ayon ang hukom sa findings ng prosecutors sa resolusyon.

Ito ay dahil may prima facie evidence na nakita ang DOJ at sapat na batayan para ma-convict nang isampa ang mga kaso laban kina Ang at iba pang dawit sa pagkawala ng mga sabungero.

Nahaharap si Ang sa kasong kidnapping with homicide sa Lipa City, Batangas, Sta. Cruz at San Pablo Laguna.

Facebook Comments