BIAF members nakatanggap ng Fishing Materials

Limampong mga myembro ng MILF Bangsamoro Islamic Armed Forces ang nakabiyaya ng mga fishing materials kabilang na ang fish net o pukot sa bayan Shariff Aguak Maguindanao.
Nagmumula sa hanay ng 118th at 105th Base Command ang naging mga beneficiaries . Sinasabing bukod sa pagiging BIAF, nangingisda rin ang mga ito sa pawas area ng bayan.
Isinagawa ang aktibidad sa Brgy. Lapok Gym noong araw ng sabado kasabay ng Upam Grand Kanduli.
Pinangunahan ang pamamahagi ng fishing materials ni former ARMM HELPS Director Anwar Upam at former Shariff Aguak Mayor Bai Zahara Upam.

Facebook Comments