BIANCA GONZALEZ IKINUMPARA NG ISANG NETIZEN SA TRICYCLE DRIVER NA NAWALAN NG PASADA SA SOBRANG PAYAT

Sa sobrang payat daw Bianca, ikinumpara ang TV Host sa isang tricycle driver na nawalan ng pasada, ang lupit talaga ng mga nasa bahay lang at abala sa social media habang may extended enhanced community quarantine. Ang latest victim nila, si Bianca Gonzales nang i-post niya ang #LabanKapamilya photo ay agad na sinita ito ng ilang netizens. Sabi ng isang follower ni Bianca : โ€œParang kawawa pa kayo sa tricyle driver maโ€™am na walang pasada.โ€

Bukod dun, marami pang ibang panlalait na tinanggap ang TV host / influencer. As in sobra-sobra ang body shaming ng nasabing photo ni Bianca na parang wala na raw siyang makain. Kaya naman bumuwelta si Bianca at pahayag nito na not sure what is worse na being fat-shamed or being skinny-shamed. Dagdag pa nito na kapag hitsura mo na ang tinitira, maawa ka nalang daw sakanila dahil humantong na sila sa ganung kababang lebel.

Sa huli, pinuri ng tv host at influencer ang lahat ng mga nag komento na maayos at may respeto agree man o hindi sanay dumami pa daw ang tulad ng mg ito.


Facebook Comments