Bianca King, thankful sa mga sumusuporta sa bago nitong teleserye sa kapamilya network

45

Manila, Philippines – Okay lang daw sa aktres na si Bianca King na kainisan ng mga manonood sa pagganap nitong kontrabida sa teleserye ng ABS-CBN na Pusong Ligaw.

Ayon sa aktres, masaya siya sa naigng pagtanggap sa kaniya ng kapamilya network lalo na din sa magandang feedback ng kanilang teleserye.

Inspirado din si Bianca na mag-trabaho dahil naging malapit na din siya sa mga co-stars lalo na kay Beauty Gonzales.

Thankful din siya sa mga tumatangkilik sa pagiging kontrabida sa teleserye kung saan alam niya sa sarili na effective siya sa pagpanggap ng role dito.

Bukod naman sa nasabing teleserye, may mga kasunod pa itong projects na dapat daw kaabangan ng mga fans.

 

Facebook Comments