BIASED? | Defense department, umalma sa pahayag ng Human Rights Watch na panghihikayat sa paggawa ng krimen ang alok na pabuya ng Pangulo

Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ng Department of National Defense ang naging assessment ng Human Rights Watch patungkol sa alok na pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga makakapatay ng Miyembro ng New People’s Army.

Paliwanag ni Defense Secretary Delfin Lorenza na ang pagpatay sa mga rebelde at mga terorista ay isang lehitimong law enforcement operation.

Hindi rin aniya bawal ang pag-aalok ng pabuya batay sa Philippine Law.


Sinabi pa ni Lorenzana na nagiging biased ang Human rights watch sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Dahil nang magbigay aniya ng pahayag si Communist Party Founding Chairman Jose Maria Sison patulong sa kanilang hakbang na papatay sila ng isang sundalo sa isang rehiyon sa isang araw ay walang naging pahayag dito ang Human Rights Watch.

Giit pa ni Lorenzana na itigil na ng Human Rights Watch ang kanilang pagiging ipokrito sa halip ay pairalin ang pagiging patas at ilabas ang katotohanan.

Siniguro naman ni Lorenzana na ginagawa nila ang lahat upang maprotektahan ang komunidad laban sa mga terorista.

Facebook Comments