BIBISITA | Prime Minister Peter O’Neill, darating sa Malacañang mamaya bilang bahagi ng kanyang tatlong araw na official visit sa bansa

Manila Philippines – Darating na dito sa Malacañang mamaya si Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill para sa kanyang Official Visit sa bansa.

Mamayang 5:00 ng hapon inaasahang darating si O’Neill sa Malacañang kung saan sasalubungin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang ilang miyembro ng Gabinete, pagkatapos ng official welcome ceremony ay agad na papasok ang Prime Minister sa Palasyo at lalagda sa Malacañang Guest book kung saan lumalagda ang mga heads of states na bumibisita sa Malacañang.

Magkakaroon din ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at ng kanyang gabinete kay O’Neill at ang kanyang deligasyon sa Malacañang kung saan inaasahang paguusapan ay ang pag papalawig pa ng relasyon ng dalawang bansa.


Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, isa itong magandang oportunidad para pagtibayin pa ang relasyon ng dalawang bansa para makamit ang parehong target na mas magandang buhay para sa mamamayan at mas mapayapang rehiyon.

Pagkatapos ng Bilateral meeting naman ay lalagdaan ng dalawang bansa ang ilang kasunduan at saka magbibigay din ng Joint Press Statement sina pangulong Duterte at Prime Minister O’Neill mamayang pasado 6:00 ng gabi.
Bukas naman ay pupunta si O’neill sa Philippine Rice Research Institute sa Nueva Ecija bago ito tumulak sa Japan.

Facebook Comments