Bicameral conference committee hearing ukol sa national budget, pinasasapubliko ng Makabayan Bloc

Iginiit ng Makabayan Bloc na buksan sa publiko ang lahat ng pagdinig ng bicameral conference committee ukol sa panukalang pambansang budget kung saan pinaplantsa ang pagkakaiba sa bersyon ng Senado at Kamara.

Nakapaloob ito sa House Resolution number 2067 na inihain nina Representatives France Castro ng ACT Teachers, Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party at Raoul Manuel ng Kabataan Partylist.

Nakasaad sa resolusyon na ang kawalan ng transparency sa Bicam proceedings ay nagbibigay ng pagkakataon para maisagawa ang insertion sa pondo na hindi naman tinalakay sa budget deliberations ng dalawang kapulungan.


Binabanggit din sa resolusyon na dahil hindi ito nababantayan ng publiko ay nagagawa ang pagpapasok ng mga bagong probisyon sa general appropriations bill.

Halimbawa nito ang ginawang pag-amyenda sa special provision 1 patungkol sa unprogrammed appropriations kung saan pinahintulutan ang paggamit sa pondo ng mga government-owned and controlled corporations tulad ng PhilHealth na may savings na 89.9 billion pesos na pinapalipat sa National Treasury.

Facebook Comments