Bicameral conference committee report sa ₱5.268 trillion 2023 national budget, niratipikahan na ng Senado

Niratipikahan na ng Senado ngayong gabi ang bicameral conference committee report ng P5.268 trillion na 2023 General Appropriations Bill (GAB).

Ang ratified bill ay naglalaman ng pinag-isang bersyon ng Senado at Kamara.

Nagpahayag naman ng “NO” vote sina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Senator Risa Hontiveros.


Partikular na tinututulan ng oposisyon ang pagbabalik sa P150 million na confidential at intelligence fund ng Department of Education (DepEd).

Bagama’t nagpasalamat si Hontiveros sa naging pagtugon noong una ng Senado na tapyasan ng P120 million ang CIF ng DepEd at ilipat sa ibang programang mas mapapakinabangan ng ahensya, nagpahayag naman ng lubos na pagkadismaya ang senadora dahil hinayaang makalusot ang nasabing pondo.

Kasama rin sa ibinalik ang orihinal na budget proposal ng National Task Force to End Local Communist Armed (NTF-ELCAC) na ₱10 billion.

Ito ang unang pambansang pondo sa ilalim ng Marcos administration.

Inaasahan namang bago mag-Pasko ay malalagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang 2023 budget.

Facebook Comments