Filipino community sa Hong Kong, bukas sa panawagang blood donation ng matinding pangangailangan doon

Bukas sa blood donation na panawagan ng Hong Kong government ang Filipino community sa Hong Kong.

Sa harap ito ng mahigpit na pangangailangan ngayon ng donasyong dugo ng Hong Kong Red Cross.

Ito ay matapos lumabas na imbentaryo na kakaunti na lamang ang imbak na dugo ng Hong Kong.


Pinaghahandaan din ng Hong Kong ang winter kung saan tumataas ang demand ng pangangailangan ng dugo roon.

Ayon sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong na si Elsa Lumabi, bukas siya sa pagdo-donate ng dugo sa Hong Kong Red Cross lalo na’t hirap ngayon sa donors ang Hong Kong.

Facebook Comments