BIDA Program, inilunsad sa PNP

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang “Buhay ingatan, droga’y ayawan” o BIDA Program.

Pinangunahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Oscar Valenzuela ang nasabing pag-roll out ng BIDA program sa PNP headquarters ngayong umaga.

Ayon kay Usec. Valenzuela, focus ng Marcos administration ang drug reduction and rehabilitation.


Aniya, ipapaalam ng pamahalaan lalo na sa mga kabataan ang negatibong epekto ng ilegal na droga at tutulungan naman ang mga drug adik sa pamamagitan ng rehabilitation.

Paliwanag nito, sa pamamagitan ng naturang programa hihikayatin ang sambayanan na makiisa para wakasan ang problema ng bansa sa ilegal na droga na siyang sumisira sa buhay ng pamilya at kinabukasan ng mga kabataang Pilipino.

Target ng gobyerno na putulin hindi lamang ang sanga kung hindi ang mismong ugat ng ilegal na droga sa bansa.

Nabatid na una nang inilunsad ang BIDA Program noong Sabado sa Quezon City Circle at ilulunsad din ito sa iba’t ibang dako ng bansa.

Facebook Comments