MANILA – Sinimulan na kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang bidding para sa mga “bib vests” na gagamitin ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEI) sa halalan.Aabot sa mahigit 350,000 na bib vests ang bibilhin ng Comelec na nagkakahalaga ng P75.00 kada piraso habang P200 naman ang kada piraso ng bibilhing 6,000 collared shirt.Nasa P26 million ang inilaang budget para sa procurement nito.Sinabi grupong Teachers Dignity Coalition na pagsasayang lamang sa pondo ng bayan ang naturang plano ng comelec.Ayon kay National Chairperson Benjo Basas, sa halip na aksayahin ang pera, mas makabubuti kung gagamitin na lamang ito bilang dagdag kompensasyon sa mga guro na magsisilbi sa eleksyon.Bukod naman sa mga uniporme, nagsimula na rin ang bidding para sa 100,000 piraso ng gunting para sa paggupit ng voter receipts na nagkakahalaga ng isang milyong piso.Samantala, hindi na itutuloy ng Comelec ang pagbili ng mahigit 93,000 “voter receipt receptacles” o lalagyan na Voter Verified Paper Audit Trail o VVPAT sa halalan.Dahil dito, makatitipid ang poll body ng mahigit P27 million.Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, gagamit na lamang ng ahensya ang mga “black corrugated boxes” na ginamit sa shipping ng mga balota.
Bidding Para Sa Gunting At 350,000 Na Uniporme Ng Board Of Election Inspectors, Umarangkada Na
Facebook Comments