Napakalaking epekto para sa mga armadong grupo sa SPMS Box ang pagkakadikusbre ng pagawaan ng armas sa Pagatin, Shariff Saidona Mustapha Maguindanao.
Ito ang inihayag ni 6th ID CMO Chief at Joint Task Force Central Spokesperson Lt. Col . Gerry Besana kasabay ng pagkakarekober ng mga matataas na kalibre ng baril, mga barrels at mga parte sa paggawa ng baril sa operasyon na inilunsad noong weekend.
Maaring humina pa lalo ang pwersa ng mga armadong terorista na nag-ooperate sa AOR ng 6th ID bunsod sa resulta ng operasyon.
Malaki rin aniya ang posibilidad na ibinebenta ang mga ginagawang baril o ipinagpapalit sa ipinagbabawal na gamot para sa karagdagang pundo ng mga armado dagdag ni Col Besana.
Kaugnay nito patuloy pa rin ang paghikayat ng 6th ID sa lahat ng mga armado na magbalik loob sa pamahalaan.
Matatandaang apat ng BIFF members na ang naunang sumuko bukod pa sa mga highpowered firearms na narekober ng military