Tomboy timbog dahil sa droga kahapon

Timbog ang isang tomboy kahapon matapos na mahuli ng mga elemento ng PP2,City Drug Enforcement Unit, PDEA-ARMM at CCPO sa bahagi ng San Juan street barangay RH-13 ng lungsod, Kinilala ang suspect sa pangalang Mahadia Sumlay Badria na residente ng Datu Siang street barangay Poblacion 7, nakuha sa kanyang posisyon ang tatlong maliliit na sachet ng shabu. Ayon kay Police station 2 Commander PCI Efren Salazar, natunugan umano ng kanyang intel operatives ang gagawing pagtransport ng droga ng suspect kung kayat ikinasa ang operasyon na nagresulta sa positibo at nakuhanan ng droga ang target.Ang suspect ay nakapiit na at nahaharap sa kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments