FAKE NEWS | Mocha Uson, pinabulaanan ang balita na sinibak siya ni PRRD

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na sinibak siya ni Pangulong Duterte dahil sa mga kapalpakan na ginagawa di umano nito sa kanyang tanggapan.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Uson na pekeng balita ang inilabas ng isang pahayagan na siya ay sinibak ni Pangulong Duterte katunayan aniya ay inamin mismo ng Malakanyang na nagbitiw siya sa kanyang tungkulin.

Paliwanag ni Uson mabuti nalamang ay mayroon social media na two way at hindi one sided lamang at hindi nakukuha ang kanyang panig sa likod ng naturang kontrobersyal na balita.


Giit ni Uson pinalalakas niya ang social media upang maging balanse sa mainstream media na sa tingin ng dating opisyal ng PCOO ay bias ang ilang mga reporter dahil hindi kinukuha ang kanyang panig sa mga kontrobersyal na usapin na ipinupukol sa kanya.

Facebook Comments