Bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, sasalubong sa mga motorista bukas!

Good news sa mga motorista!

May bigtime rollback na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo epektibo bukas, November 23.

Alas-6:00 ng umaga bukas, magpapatupad ang Pilipinas Shell, Seaoil, Cleanfuel, Petro Gazz at Total ng P0.85 na tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina at P1.20 sa kada litro ng diesel.


May P1.30 din na rollback sa kerosene ang Shell at Seaoil.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na magpapatupad ng bawas-presyo ang mga kompanya ng langis.

Facebook Comments