Bihag ng Abu Sayyaf, nasagip ng militar sa Zamboanga Del Norte

Nailigtas ng tropa ng 42nd Infantry Battalion ang isang magsasaka na bihag ng Abu Sayyaf Group kahapon ng alas-10 ng umaga sa Sitio Banalan, Barangay Pisa Itom, Sirawai, Zamboanga del Norte.

Ayon kay Western Mindanao Command Commander Lieutenant General Corleto Vinluan, nagsasagawa ng combat operations ang mga tropa sa lugar nang maka-enkwentro ang limang armadong bandido na may hawak sa kidnap victim na si Rex Triplitt.

Si Triplitt ay kinidnap noong September 16 habang papauwi sakay ng kanyang motorsiklo.


Ayon naman kay Brigadier General Leonel Nicolas, 102nd Infantry Brigade Commander, na ang mga nakaekwentro ng tropa ay kabilang sa Sulu-based Daesh Inspired-Abu Sayyaf Kidnap-for-ransom group ni Injam Yadah, alyas “Injam.”

Sa rescue operation, nakatakas ang biktma habang nagpapalitan ng putok ang sundalo at mga ASG at humingi agad ng saklolo sa tropa ng militar.

Matapos na marekober, si Triplitt ay dinala ng mga sundalo sa isang health center sa Sirawai bago inalis sa lugar para sa debriefing.

Facebook Comments