Isa sa mga Indonesian kidnap victim ng Abu Sayyaf Group, natagpuang patay ng militar sa Sulu

96

Wala nang buhay nang makita ng mga sundalo ang isa sa mga kidnap victim ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.

Sa ulat ng Western Mindanao Command, nakita ng mga sundalo ang bangkay ng Indonesian kidnap victim sa may Brgy. Maligay, Patikul, Sulu habang nagsasagawa ng pagtugis sa mga nakatakas na Abu Sayyaf Group na kanilang nakasagupa kahapon.

Ayon kay WESMINCOM Commander Lieutenant General Corleto Vinluan, Jr., batay report na nakuha nila mula sa ground ay nakatakas ang kidnap victim mula sa abductors pero habang papalayo sa area ay pinagbabaril ito mga Abu Sayyaf.

Ang kanyang bangkay ay nakuha 300 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng engkwentro.

Nakatakda namang dalhin ang bangkay nito sa Zamboanga City.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa mga Abu Sayyaf sa Sulu.

Facebook Comments