Radio DJ, patay sa pamamaril sa Cebu

Cebu City – Patay sa pamamaril ang 29-anyos na disc jockey sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Busa, Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Marie Alexi Bolongaita, anak din ng isang radio anchor.

Naaresto naman ang suspek na si Reynante Mambiar sa isang ospital sa lungsod kung saan siya nagpapagamot dahil sa tinamong saksak sa katawan.


Ayon sa pulisya, posibleng nakapanlaban pa si Bolongaita kaya nagtamo ng saksak ang suspek.

Narekober mula kay Mambiar ang ilang ninakaw nitong gamit sa biktima habang nakuha sa ilalim ng kama ni Bolongaita ang isang kalibre .22 na baril at kutsilyo.

Facebook Comments