Bikini na gawa sa totoong pizza, trending ngayon sa New Jersey sa Amerika

New Jersey – Isang pizza chain ang nakagawa ng very stylish at fashionable bikini na gawa mismo ng kanilang pinagmamaling produkto.

Ang “Pizza-Kini” na creation ng Villa Italian Kitchen na nagawa pang makipag-team up pa sa sikat na new york stylish na si Jessie Bearden.

Aabot naman sa $10,000 dollars o p504, 600.00 ang halaga nito kung saan maaari ka naman pumili kug anong klase ng toppings ang pwede mong ilagay bilang design.


Ayon kay Mimi Wunderlich, Director of Communications and Digital Marketing Strategy (DCDMS) ng Villa Italian Kitchen – ginawa nila ang ganitong klase ng swimsuit bilang bahagi ng “National Bikini Day” na taunang isine-celebrate sa New Jersey tuwing July 5.

May ilang pakisuyo ang nasabing kumpaniya sa nais magsuot nito, una dapat daw lumayo ka na sa mga taong naka-inom dahil baka gawin nilang pulutan ang suot mo at ikalawa, kailangan mo din daw dumistansiya sa mga hayop partikular sa mga aso lalo na’t nakaramdam ng gutom ang mga ito.

Facebook Comments