Biktima ng Ligaw na Bala sa Santiago City, Isasailalim na sa Operasyon

68

*Cauayan City, Isabela*-Isasasailalim sa operasyon ang isang estudyante na biktima ng ligaw na bala sa Brgy. Calao East, Santiago City, Isabela.

 

Kinilala ang biktima na si Julius Rumbaua, 22 anyos, isang second year college student.


 

Ayon sa imbestigasyon ni PMAJ. Reynaldo Maggay, Hepe ng Presinto Uno ng Santiago City Police Office, mahimbing na natutulog ang mag anak habang nasa gilid na bahagi ng higaan ang biktima na katabi ang kanyang bunsong kapatid ng biglang makaramdam ng tila makirot sa bahagi ng kanyang kaliwang leeg kaya’t agad nitong ginising ang kanyang ina para tignan at tumambad ang duguang leeg ng biktima.

 

Dagdag pa ng hepe, batay sa naging salaysay ng ina ng biktima na inakalang kagat lamang ng ahas ang dahilan ng sugat ng kanyang anak hanggang sa ipasuri sa doktor at nakumpirmang tama ng bala ng baril ang natamong sugat nito matapos isailalim sa X-RAY test.

 

Magsasagawa naman ang pulisya ng ballistic examination kapag nakuha na ang balang nakabaon sa leeg ng biktima upang mapanagot ang nasa likod ng insidente.

Facebook Comments