BIKTIMA NG SUMMARY EXECUTION? | Paglamatay ng lalaking may balot na tape ang mukha, iniimbestigahan

Valenzuela City – Iniimbestigahan na ang isang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution na natagpuan sa Valenzuela City.

Nakabalot ng packaging tape ang mukha at pinaniniwalaang nakagapos din ang kamay ng hindi pa nakikilalang biktima.

Tinapon ito sa gilid ng c. Santiago Street sa Veinte Reales, Valenzuela.


Nakasuot ng pulang sweat shirt at naka short lamang ito ng makita sa kalsada at tila natatakpan ng isang kongkretong poste.

Facebook Comments